Ito ang aking talambuhay, isang simpleng babae nagngangalan na Khiamille Anne B. Dangca. Namumuhay sa isang tahimik na probinsya kung saan malayo sa polusyon. Ako ay labing-anim na taong gulang at ipinanganak ako noong Ika-26 ng Pebrero taong 2000. Ako ay ikalawang isinilang ng aking mga magulang na sina Nora at Andrew Dangca at may 3 kapatid na kung saan ang dalawa dito ay magkakambal. Ang pangalan ng aking nakakatandang kapatid ay si Khiaryz Audrey na labing-pitong taong gulang at nasa ikalawang antas na ng nursing sa kolehiyo at ang kambal kong kapatid na walong taong gulang, na sina Khiaryle Ahyen at Khiarenz Andrie na nasa ika-tatlong baitang na ng elementarya sa aming bayan.
Ako ay nasa ikalabing-isang antas ng "Senior High- School" na nakuha
ng STEM. Ako ay nagaaral sa isang katoliko at pribadong paaralan sa isang bayan sa lungsod ng Laguna na kalapit lamang ng bayan namin sa Quezon.

Ang aking mga paboritong gawain ay magbasa ng libro, manood ng korean Dramas at maglaro ng volleyball at badminton. Minsan ko narin kinahiligan ang gun shooting kung saan naging bonding namin ng aking mga pinsan tuwing sila ay umuuwi ng pilipinas.
Ang aking unang piniling track noon ay HUMMS dahil gusto kong maging sikat na reporter.
Ang aking unang piniling track noon ay HUMMS dahil gusto kong maging sikat na reporter.
Dahil sa kagustuhan ng aking lola ang kinuha kong track ay Stem. Kung saan ang kukunin kong kurso pagkatapos ng aking "Senior High" ay med tech, nursing o architecture.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento