Huwebes, Hulyo 21, 2016

Ang Aking Talambuhay

        
    Ito ang aking talambuhay, isang simpleng babae  nagngangalan na Khiamille Anne B. Dangca. Namumuhay sa isang tahimik na probinsya kung saan malayo sa polusyon. Ako ay labing-anim na taong gulang at ipinanganak ako noong Ika-26 ng Pebrero taong 2000. Ako ay ikalawang isinilang ng aking mga magulang na sina Nora at Andrew Dangca at may 3 kapatid na kung saan ang dalawa dito ay magkakambal. Ang pangalan ng aking nakakatandang kapatid ay si Khiaryz Audrey na labing-pitong taong gulang at nasa ikalawang antas na ng nursing sa kolehiyo at ang kambal kong kapatid na walong taong gulang, na sina Khiaryle Ahyen at Khiarenz Andrie na nasa ika-tatlong baitang na ng elementarya sa aming bayan.

  
              Ako ay nasa ikalabing-isang  antas ng "Senior High- School" na nakuha
ng STEM. Ako ay nagaaral sa isang katoliko at pribadong paaralan sa isang bayan sa lungsod ng Laguna na kalapit lamang ng bayan namin sa Quezon.


 
 Noong ako ay nasa elementary lagi akong nanalo sa patimpalak na nakakakuha ng ikalawa o ikatlong place sa quiz bee, talumpati mapaingles man o tagalog at art contest. At noong ako ay nasa Junior High ako ay nalaban sa ibang paaralan ng Sabayang pagbigkas na kung saan kami ay na ikauna at ikaapat na place  sa nasabing patimpalak. Noong ako ay nasa Ika-pito at Ika- walong  baitang ako ay nanalo sa isang grupong patimpalak sa ingles. Pero noong ako ay nasa ika-tatlo at ika-apat na baitang sa junior high hindi na ako sumasali sa mga patimpalak.




           Ang aking mga paboritong gawain ay magbasa ng libro, manood ng  korean Dramas at maglaro ng volleyball at badminton. Minsan ko narin kinahiligan ang gun shooting kung saan naging bonding namin ng aking mga pinsan tuwing sila ay umuuwi ng pilipinas. 




     Ang aking unang piniling track noon ay HUMMS dahil gusto kong maging sikat na reporter.




         Dahil sa kagustuhan ng aking lola ang kinuha kong track ay Stem. Kung saan ang kukunin kong kurso pagkatapos ng aking "Senior High" ay med tech, nursing o architecture.